Munting Kaibigan

Aking kaibigang hindi makapagsalita

Sunod ng sunod lamang saan man ako magpunta

Tila anino na sa umaga , unan sa gabi

Minamahal na hindi umalis sa aking tabi

Aking karamay sa kalungkutan

Kalaro sa bawat araw ng kasiyahan

Kasama sa hapag kainan

Kaibigang mahigit pa ang pinagsamahan

Sa bawat araw na dumarating

Kanyang lakas ay nauupos parang  dahong

Tuyo na umaalpas sa hangin

Nararamdaman hindi niya kayang sambitin

Kundi pagtitig lamang kung may dinaraing

Ngunit tuloy lang ang aming pakikibaka

Hindi dama kung dito sa mundo ay kami

Lang dalawa

Minsan ang katahimikan ang siyang

Tunay na nadarama

Sapagka’t ang naguusap ay ang puso

Ng bawat isa

Paglipas  ng taon ako’y nagkaedad na

Siya naman hayun kahit sa hagdanan 

Hindi na makababa

Bilang lang ang mga hakbang ,kaawa awa

Nagsasabing sa aking buhay ako’y pagod na

Dumating na ang araw na nais na niyang

Magpaalam

Aking mata’y kanyang tinitigan tila 

Ayaw magpaiwan

Yakap ang aking ibinigay sa aking mahal na kaibigan

Ako’y hindi iniwan hanggang sa kanyang 

Kamatayan

©️eurekarobey

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s