“Sa bawat pagpatak “

Buhos ng ulan tila walang batid na pagtila Gaya ng mga matang lumuluha buhat sa pangungulila Makulimlim na kalangitan may batid na kalungkutan Gaya ng pusong nalumlumbay pagkatapos masugatan Tinatanaw bawat punong panay ang pagsalo sa bawat patak Gaya ng tao na na walang kasiguraduhan sa kanilang pag apak Walang nakakaalam sa bawat araw na … Continue reading “Sa bawat pagpatak “

May panahon pa upang sila ay mahagkan ni Eureka C. Bianzon

Isinilang ka ng puno ng kagalakanNgiti sa labi ng iyong mga magulang ay nahagkanIkaw noon ay mumunting anghel na nakakahalinang pagmasdanKinasasabikang hawakan na halos ay ayaw nang bitiwan¬†Unti unti ikaw ay lumalaki naSinimulan mo na din gumuhit kahit na ang magbasaAral mula sa iyong mga magulang ay iyong nabibihasaIkaw ay nagging magalang at masunuring bata¬†Dumating … Continue reading May panahon pa upang sila ay mahagkan ni Eureka C. Bianzon

“Bote’t dyaryo”

Katawang hapo nakalapat sa papag na kawayan Ipapahinga na ang katawang sa maghapong sa init ng araw ay nakipagsabayan Kumita na at naiuwi ang ilang singko kahit kakarampot lamang Mahalaga'y may pambili ng pagkain upang tiyan ay mabigyang laman hanggang kinabukasan Sa pagtilaok ng manok dama padin ang hapong katawan Tila ayaw pang bumangon pinipilit … Continue reading “Bote’t dyaryo”

Walang Imposible sa mundo ni Eureka C.Bianzon

Isang parangal ng apresasyon Ang naghatid saya sa aking puso ng gabing iyon Maliban sa mga kababayan na nagbigay ng inspirasyon Patungkol sa kanilang buhay upang makaahon Ni minsan sa aking buhay hindi ko inakala na magiging malalim pa Ang dedikasyon ko sa pamamahagi ng tula Kaysarap lamang isipin na ang aking bawat katha ay … Continue reading Walang Imposible sa mundo ni Eureka C.Bianzon

“Araw at gabi sa kanya’y iisa” ni Eureka C.Bianzon

Mga matang nakapikit Tinatahak ang tanging himlayan Kinakapa ang bawat muwebles Na gumagabay sa kanyang dinaraanan Araw at gabi sa kanya'y iisa Na tanging hapong katawan lamang Ang makadarama Na ang buong araw ay tapos na At kailangang ipahinga Sa paglalakbay sa daraanang hindi nakikita Siya lamang ang makapagsasabing Mapalad ka Sapagkat bawat bagay sa … Continue reading “Araw at gabi sa kanya’y iisa” ni Eureka C.Bianzon