“Sa bawat pagpatak “

Buhos ng ulan tila walang batid na pagtila
Gaya ng mga matang lumuluha buhat sa pangungulila
Makulimlim na kalangitan may batid na kalungkutan
Gaya ng pusong nalumlumbay pagkatapos masugatan

Tinatanaw bawat punong panay ang pagsalo sa bawat patak
Gaya ng tao na na walang kasiguraduhan sa kanilang pag apak
Walang nakakaalam sa bawat araw na mga mata natin ay mulat
Mga unos dumarating ,  nagbibigay luha sa mga matang problema ay hindi mabuhat

Ngunit , ulan ay tumitila  pagsikat ng araw
Luha’y  titigil din sa pagpatak kapalit ay  masayang bagay na matatanaw
Liliwanag din ang kalangitan , bawat ibon muli ay mag aawitan
Gaya ng pusong humilom pagkatapos na masugatan

Tayo may mga puno na palaging sasalo  bawat pagpatak
Maniwala lamang na may Diyos na sasalo sa ating bawat pag apak
Siya lamang ang nakaka alam sa lahat ng panahon sa bawat landas na ating tinatahak
Mga unos dumarating,  maniwala lamang na may  kaagapay tayo sa bawat pagpatak
Mypenandsoul.com

(c) mypenandsoul author
Eureka Bianzon Robey

“Dahil sa inyo mga anak” ni Eureka C. Bianzon

“Dahil sa inyo mga anak”
(Na aking kayamanan)
Tungkulin bilang ina aking ginampanan
Pinunan din ang tungkulin ng inyong ama ng kalaunan
Sa ating buhay kaydami mang pagsubok ang nagdaan
Ako’y nanatiling nakangiti at buo dahil sa inyo mga anak na aking kayamanan
Ang aking puso ay labis na nasisiyahan
Sapagka’t kayo ang aking mga anak
Pagmamahal ay napunan
Walang pagsubok ang aking hindi
Makakayanan
Sapagkat sa aking harapan kayo’y nakangiti at palaging nariyan
Sa tulong ng Maykapal aking pangarap para sa inyo’y matutupad
Kayo’y mananatili sa aking puso saan man ako mapadpad
Bilang ama’t ina ninyo pangako ako’y mananatiling matatag
Kasama ng pamilyang pagmamahal
Sa akin ay labis na inihatag

A requested poem
-mypenandsoul