Kalendaryo

Minarkahan niya ang kanyang kalendaryo
Taon taon ay napupuno nya bawat petsa dito

Lugar na kanyang napuntahan at pupuntahan
Gayundin ang nakasamang pamilya at mga kaibigan

Ginawa niya ito simula pagkabata
Bawat kalendaryong sinusulatan ay naiipon na
Mula sa pagkadalaga hanggang mag asawa
Hanggang sa mag ka anak at mag ka apo na

Palagi niyang plano bawat bagay na gagawin
Nakamarka doon lahat ng mga bagay at habilin
Sapagkat ayaw na may makaligtaan lalo ang okasyon
Ang petsa sa kalendaryo nararapat na siya ay
Naroon

Sa pagkalipas ng panahon kanyang mga naililistang mga kaibigan ay kaunti na
Dumaragdag naman ang pag marka sa pagbisita
Sa klinika
Pakiramdam iba’t ibang lugar na tatanawin ay limitado na
Sapagkat katawang aktibo noon ay unti -unting humihina

Sa kapal ng naipong kalendaryo laman ay masasayang bagay
Mga petsa ,tao ,magagandang pook, mga ala ala na may saysay
Mga minarkahan at pinunan ng sariling mga kamay
Ala ala na mananatili hanggang sa kabilang buhay

Sa mundong ibabaw bawat galaw man ay nakaplano
Iisa lamang ang nakaka alam kung saan ito
patungo
Ang mahalaga ang mabubuting bagay na nakamarka sa ating kalendaryo
Ala alang mananatiling buhay sa mga maiiwang mga puso.

“KALENDARYO” ©️mypenandsoul
eureka robey

Kaibigan

Kabigan bakit ba ang layo mo

Ilang taon na din tayong hindi nagkatagpo

Hindi makatulog kakaisip sa’yo

Nawa’y ayos ka lang sa iyong ginagalawang mundo

Kaibigan sobrang namimis na kita

Kailan kaya kita mayayakap muli’t makakasama

Sa bawat oras tanaw ko ang langit dahil sa’yo

Minamasdan ang ulap at bituin, iniisip kung tinatanaw mo din ito

Kaibigan kaytagal na ng panahon

Hindi ko magawang baguhin itong ating hamon

Hindi magawang ikaw ay masilayan sapagkat ikaw ay napakalayo

Hindi magawang puntahan ano mang oras gusto

Kaibigan ayos ka lang ba

Nawa’y iyong buhay ay masaya at masagana

Kaysarap tantuin masasayang ala ala diba

Ako’y nandirito lang inihahayag ang damdamin sa tula

Kaibigan aking dalangin ay iyong kaligtasan

Saan ka man mapadpad nawa Maykapal ikaw ay gabayan

Kaibigan maraming salamat sa bawat ala ala

Na ako’y naging bahagi ng iyong buhay na puno ng pag asa

©️ mypenandsoul

Author Eureka Bianzon Robey

A poem dedicated to my bestfriend Ice who is currently residing in Canada. I remember it was 2011 the last time we saw each other in the Philippines. How I miss my bestfriend and our karaoke.

Nais kong madinig ang iyong tinig

Ang bawat patawa na  iyong binibigkas

Ay may halakhak na pag kalakas lakas

Kung maibabalik ko lang ang panahon

Na ikaw ay may kalakasan gaya noon

Nais ko muling madinig ang iyong tinig

Mga salitang sambit ng iyong mga labi

Mga pangaral na gusto kong nadidinig

Mula sa amang mapagmahal ng labis

Sa ngayon akin na lamang 

Titignan ang iyong ngiti

Ama alam kong gustong gusto 

mo akong kausapin

Bagama’t mag salita 

ay di kayang bigkasin  

Sa puso ko tila alam ang

 salitang iyong nais sabihin

Na anak wag kang mag alala

Aking lakas ay manunumbalik

Mga salita ay lalabas  sa aking bibig

Balang araw ating usapang kaysaya

 ay sadyang magbabalik

“Sa bawat pagpatak “

Buhos ng ulan tila walang batid na pagtila
Gaya ng mga matang lumuluha buhat sa pangungulila
Makulimlim na kalangitan may batid na kalungkutan
Gaya ng pusong nalumlumbay pagkatapos masugatan

Tinatanaw bawat punong panay ang pagsalo sa bawat patak
Gaya ng tao na na walang kasiguraduhan sa kanilang pag apak
Walang nakakaalam sa bawat araw na mga mata natin ay mulat
Mga unos dumarating ,  nagbibigay luha sa mga matang problema ay hindi mabuhat

Ngunit , ulan ay tumitila  pagsikat ng araw
Luha’y  titigil din sa pagpatak kapalit ay  masayang bagay na matatanaw
Liliwanag din ang kalangitan , bawat ibon muli ay mag aawitan
Gaya ng pusong humilom pagkatapos na masugatan

Tayo may mga puno na palaging sasalo  bawat pagpatak
Maniwala lamang na may Diyos na sasalo sa ating bawat pag apak
Siya lamang ang nakaka alam sa lahat ng panahon sa bawat landas na ating tinatahak
Mga unos dumarating,  maniwala lamang na may  kaagapay tayo sa bawat pagpatak
Mypenandsoul.com

(c) mypenandsoul author
Eureka Bianzon Robey

Goodbye Grandma, I will miss you

Tears I have shed, remembering those things you’ve taught me

Through the years you were there, you watched me grow

Love , kindness , sweetness acts of you I’ve got to see

You’ve been there for me for the things I needed to know

Grandma every word from your voice I deeply remember

And all that I think about now is you today

I’m sorry if I won’t have the chance to be there

I’d love you grandma in so many ways

Now as I opened and closed my eyes

Only your face tickles my mind

Oh how I remember you were there by my side

And now my heart aches from your saddest goodbye

Now I realized how much I miss you

I know that you will still be watching over me

I’ve learned so many things from you

I will never ever forget those ’til eternity

I know that you’re happy with the Heavenly father right now

In God’s time we will be seeing each other somehow

In my heart your memories will always remain

Grandma I’ll miss you, ’til we meet each other again

Mypenandsoul

“Para sa Naaapi at Nang-aapi” ni Eureka C. Bianzon

Taong nananahimik sa kinasasadlakan
Hinahayaan lamang na pagkatao ay
Hamakin at yurakan
Sapagka’t sa sarili ang turing ay mangmang
Walang karununga’t iba ay hindi
Mapapantayan
 
Yaong mga mayabang na akala mo
Kung sino
Kung umasta ay mas malaki
Pa sa bola ang ulo
Animo’y walang kahinaa’t patuloy
Ang paghamak sa kapwa tao
Hindi lamang nalalaman na
May mga matang nakatitig dito
 
Sa mundong ibabaw walang mangaapi
kung walang paaapi
Ikaw ay nilikha ng may kalayaan
Mula sa iyong mithiin at mga labi
Kung patuloy mo silang papayagan
Na ikaw ay yurakan
Ito’y patuloy pang gagawin
Sa iba pang matatagpuan
 
At para sa taong kung umasta
Ay walang kaubusan ang yaman
Hindi yan madadala sa huling
Hantungan
Lahat tayo ay pantay pantay
At ang huling paghatol ay sa kabilang
buhay