Pilit mo akong itinutulak palayo
Subalit lumalapit naman ako
Hindi ko pansin sakit na nadarama
Sapagkat alam kong ikaw saki’y mahalaga
Ngayong aking puso’y pagod na
Sige na maaari ka ng lumaya
Tulad ko’y wala ka ng mahahanap pa
Nagmahal ng tapat kahit nagkulang ka
Ika’y malaya na,ito’y labis kong ikasasaya
Sapagkat aking puso’y tuluyang maghihilom na
Nawa’y wag ng manumbalik ang sakit
Sa tulad kong wala ng ibang papalit