Ano ba ang iyong nais sa isang komplikadong tulad ko
Sa’kin ba’y hindi ka naiinis,naiiba ang iniikutan kong mundo
Hindi payapa ,madaming intriga,madaming gumugulo
O sadyang hindi mo alam ang iyong nais sapagkat nalilito
Buhay ko’y hindi payapa tulad ng iba
Madaming nagtatanong,madaming humuhusga
Kaya mo bang manatili sa iniikutan kong mundo
O sa kalaunan ay lilisan nalang at iiwan ako
Pag isipan mong mabuti,baka ika’y nabibigla
Makasama ako sa aking komplikadong
Mundo di tulad ng sa iba
Baka ika’y sumuko sapagkat hindi kaya
Manatili sa mundo ko na puno ng
Kahiwagaan tulad ng mahika